.
Magic Knight Rayearth
A trip down to memory lane.
Naalala ko nung bata ako nun, di ko na maalala kung anong grade ko noon mga Grade 1 or Grade 2 siguro. Isa ito sa mga paborito kong panuorin sa TV. Pagkagaling ko ng school, bukas agad ng TV at manunuod. Noon, ito ay palabas sa GMA7. Kabisado ko pa nga hanggang ngayon yung opening song nito.
Kami’y narito, asahan nyong magtatanggol. Makikipaglaban para sa kapayapaan ~
Hahahaha. Ayun, bale isa ito sa di ko malilimutang anime dahil isa ito sa mga iniyakan ko. Hahahaha. (Oo,ayon sa mga natatandaan ko). Minsan, nakakatuwang gunitain ang mga alaala ng kabataan.